Philippine Information Agency
27 Oct 2020, 14:08 GMT+10
LUNGSOD CALOOCAN, Okt. 27 (PIA) -Makikipagsanib-puwersa ang Kagawaran ng Edukasyon sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pagpapatupad at pagbuo ng National Academy of Sports ngayong taon. upang makapagpaunlad ng mga natatanging mag-aaral sa larangan ng palakasan.
"Ang DepEd at ang PSC, sa katunayan, ay magkatuwang sa mga initial preparations para sa pagbubuo nito ng National Academy of Sports," pahayag ni Undersecretary for Field Operations, Palarong Pambansa Secretariat and DEACO Revsee Escobedo sa ginanap na Handang Isip, Handa Bukas Press Briefing noong nakaraang Biyernes.
Ibinahagi rin ni Escobedo na si Secretary Leonor Magtolis Briones ang magsisilbing Chairperson samantalang ang PSC Chair William 'Butch' Ramirez ang magiging Vice-Chairman ng institusyon.
"Ang layunin ng pagtatatag ng National Academy of Sports ay to implement a quality and enhanced secondary education program, integrated with a special curriculum on sports," dagdag ni Escobedo.
Naitatag ang NAS sa bisa nang paglagda ng Batas Republika Bilang 11470 o ang 'National Sports Academy Act' nitong Hunyo 9 upang magbigay ng daan sa mga mag-aaral ng sekondarya na nagnanais na maging propesyunal na manlalaro.
Bilang isang bagong strand sa sektor ng edukasyon, ang sistema ng NAS ay naglalayon ding magbuo ng natatanging curriculum para sa mga athletic scholars, makapagbigay ng dekalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral na may angking galing sa pampalakasan at mapag-isa ang lahat ng institusyong pampalakasan.
Ang sistema ring ito ay may intensyong magpaunald, magpalakas at mapag-isa ang mga bubuoing campus at makapagbigay ng mga world-class sports facility upang makapagpadala ng mga manlalaro sa ibang bansa.
"Hinahangad ng batas na ito ay magkaroon tayo ng world-class facilities kung saan dito magsasanay ang ating mga potential na mga manlalaro para sa Asian Games at Olympics," ayon kay Escobedo.
Para sa mga susunod na hakbang, ang organisasyon ay magbubuo ng NAS Road Map, pagtutuonan ng pansin ang pagsasaayos ng curriculum, pagtatag ng NAS Main Campus at paggawa ng operational manuals para mas maisayos ang sistema.
"Next year, ang pinagtutuonan natin ng pansin ay 'yong main campus muna. Ito ay nasa New Clark City at ito 'yong gagamitin munang main campus at 'yong naitayong track oval doon at saka 'yong swimming pool na ginamit during SEA Games ay ipapagamit muna ng BCDA [Bases Conversion and Development Authority] sa National Academy of Sports para maging training facility," dagdag pa ng opisyal.
Magkakaroon din ang NAS ng P1.85 bilyong inihaing pondo para sa 2021, kung saan ang P264 milyon ay para sa mga kawani at pagpapanatili ng pasilidad at P1.60 bilyon naman para sa capital outlay.
Ikinagalak naman ni Briones ang pagkadagdag ng NAS sa sektor ng edukasyon, kung saan makapagbibigay ito ng panibagong daan upang patuloy na maabot ng mga mag-aaral ang kanilang kagutustuhan.
"Sa ngayon, medyo kumpleto na ang ating [programs], mayroon na tayong mga science high schools, mayroon na ding hight schools for the arts, ngayon mayroon na tayong high school for sports," ayon sa Kalihim ng Edukasyon. (DepEd/PIA-NCR)
Get a daily dose of Central Asia Times news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to Central Asia Times.
More InformationTOKYO, Japan: As global inflation remains stubborn and growth prospects dim, central bankers from around the world gathered in Tokyo...
HONOLULU, Hawaii: A man from Oregon, Oliver Widger, has arrived in Hawaii after sailing across the ocean with his cat, Phoenix. He...
BUENOS AIRES, Argentina: The Archbishop of Buenos Aires, Jorge García Cuerva, used a major religious event over the weekend to criticize...
CIUDAD JUAREZ, Mexico: In a first-of-its-kind judicial election in Mexico, more than 5,000 candidates are vying for over 840 federal...
ZERMATT, Switzerland: Five skiers were found dead on a mountain in Switzerland near the popular ski resort of Zermatt, officials said...
TORONTO, Canada - Tens of thousands of people from across Canada have marched in support of Israel in a massive turnout in Toronto....
In the early 1980s, after witnessing opportunities in Asia, Barry Pearton saw a clear gap in Australia's media market. Without nothing...
BEIJING/TAIPEI: Facing mounting U.S. export restrictions, Nvidia is preparing to launch a new, lower-cost artificial intelligence chip...
BEIJING, China: China's Lenovo reported a steep 64 percent drop in fourth-quarter profit, falling significantly short of analyst expectations...
KUALA LUMPUR, Malaysia - At a meeting on Tuesday in the Malaysian capital, Kuala Lumpur, ASEAN leaders reiterated their commitment...
HUNG YEN, Vietnam: A new US$1.5 billion luxury golf and residential project backed by the Trump Organization officially broke ground...
The uncertainty caused by tariff policies has resulted in substantial economic damage for businesses. SACRAMENTO, the United States,...